magandang umaga! ginising ako ng huni ng mga kuliglig na sinabayan ng pagtahol ng aso ng kapitbahay. pero ngayon mas umiibabaw ang huni ng mga ibon. at paminsan-minsan, binabasag ang local color experience ng pagharurot ng motorsiklo. ines!
mabuti na lang umulan ng mga nakalipas na araw. lahat ng puno sa likod bahay ay kulay matingkad na berde na naman! pati ang bundok na tanaw ko berde rin. ito ang dahilan kung bakit hindi ko maipagpalit ang buhay baryo sa buhay condo. hindi ko siguro kasasanayan na gumising na ang nakikita ay pader, tuktok ng building, kalsada at pinilit na lush green environment ng condo developer.
pero mas maganda ang umaga noong bata pa kami. sa umaga, bukod sa huni ng ibon, higanteng puno ng mangga, mga pula at dilaw na gumamela, nagigising kami sa bango at halimuyak ng sampaguita! 'yong tipong galing pa sa puno ng namumukadkad pa lang na sampaguita. kapag panahon naman ng anihan, ibang klase din, amoy dayami at pinipig ang paligid. san ka pa?
kamakailan lang pumunta si al gore at nagpaliwanag sa isang convention on the environment tungkol sa sinasabi niyang inconvenient truth. mula sa kinauupuan ko hindi ko maramdaman ang kanyang doomsday scenario. pero naniniwala ako na bawat isa sa atin may pakialam sa nangyayari sa kalikasan. basta ang nanay ko, hindi nakakalimutang magwalis at magdilig sa bakuran. ang tatay ko naman walang tigil sa kakukutingting sa mga puno at halaman.
natatawa lang ako sa ibang senior citizen sa paligid na imbes mag-ayos at mag-imis ng bakuran, hayun, nagdya-jogging sa may southwoods. sabagay may mga kasambahay naman silang tagalinis ng bahay. walang pakialamanan!
pero sandali lang, wala na nga pala silang likod bahay dahil nagpa-extend sila ng bahay kaya wala ng natirang lupang pagtatamnan. ang mga tao talaga, iba't iba ang priorities.
basta kami, kahit maliit ang bahay, marami naman kaming puno sa paligid. at eto pa, pwede kang magkabit ng duyan sa hapon sa likod bahay. doon ako natutulog o nagbabasa 'pag weekend. panalo! promding-promdi!
may bunga na naman ang langka at saging. sana lang, mabuhay na uli ang malunggay. lagi na lang kaming nanghihingi ng dahon kay aling tinay!
linggo pala ngayon. saan kaya ako magsisimba?
Wow, Tagalog. Talaga lang ha. Lol. Ewan ko ba, pero hirap akong magsulat sa Tagalog. Tagalog naman ako kung magsalita. Ayaw ko lang siguro kasi ispelengin ng tulad nyan ang mga salita. Sakit sa mata kahit ok lang sa tenga. Pero meron naman akong isang maikling kwentong naisulat sa purong Tagalog. Nung hayskul pa ako yun. Uno ang grado binigay sa akin ng aking titser. Subukan kong isulat muli at i-post sa aking blog. Yun lang, takot akong i-transliterate yan ni Mr. Google. Anaknang... retarded ba gumawa nun? Lol <-(ano sa Tagalog yang "lol"?)
ReplyDeleteWow! Kakainggit na scenario...
ReplyDeleteMas okay talaga ang buhay promdi, kaysa sa buhay condo. Hirap sa buhay condo 24oras wala kang makikita kung hindi ding ding. Sa opisina yun na ang "scenery" hanggang paguwi ng bahay ganun pa rin. '
Mabuti pang maliit ang bahay pero may sariwang hangin.
@Don Dee: Mahirap kasing magsulat sa Filipino kase ang hahaba ng mga salita. Mahirap ding mag-isip sa wikang ito kase mas madalas sa wikang ingles ako nag-iisip. iyan ang turo ng aming guro dati: mag-isip sa ingles para mas madaling magsulat at magsalita sa ingles. mahirap kayang mag-isip sa isang wika tapos isasalin mo sa ibang wika ang output - panulat man o sa pagsasalita. Ito mahirap ng tagalugin: Can't wait to read your short story. :P
ReplyDelete@Halie: Kapag nakikitulog nga ako sa mga friends ko na naka condo hindi ako makatulog, parang di ako makahinga. :) syempre di ko sinasabi baka sabihin ang arte ko e ako na nga nakikitulog. Hehehe.
ReplyDeleteHay nako. Kung hindi lang kailangan ng pera e.
ReplyDelete